Normal view MARC view ISBD view

Tatlong gabi tatlong araw / Eros S. Atalia

By: Atalia, Eros S.
Pasay City, Philippines : Visprint, Inc., ©2013Description: 169 pages ; 23 cm.Content type: text ISBN: 9710545299 ; 9789710545292.Subject(s): Sinkholes -- Philippines -- Fiction | Typhoons -- Philippines -- Fiction | Tabloid newspapers -- Philippines -- Fiction | Festivals -- Philippines -- FictionDDC classification: /At15 Awards: "Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2013. Grand Prize, Nobela"--Cover.Summary: "Mula tabloid hanggang TV network, naibibigay ni Raymundo Mojica ang hinihingi sa kaniya ng industriya. Nagsimulang horoscope writer sa isang tabloid na may pinakamalaking sirkulasyon hanggang makilala sa paggawa ng documentary. Bumalik siya sa kapistahan ng Brgy. Magapok, dahil na rin sa kahilingan ng namatay niyang ina, upang ilagay ang picture frame sa altar at isaboy ang kaunting abo sa kapatagang napalapit sa puso nito. Pagdating ni Mong (kanyang palayaw) sa probinsya ng Sta. Barbara na nakakasakop sa Brgy. Magapok, tutumbukin ito ng super typhoon. Nakipag-unahan si Mong sa bagyo para makarating agad nang ligtas sa Magapok. Napuno ng kababalaghanat karahasan ang isa sanang simpleng kasiyahan ng tatlong araw na pista ng patron na si Sta. Barbara de Bendita. Isa-isang nawala ang mga alagang hayop at tao. Nasaksihan niya kung paanong kinain ng lupa ang isang buong baka. Nakipaghilahan siya kasama ng mga taga-Magapok laban sa isang kamay na humihila-pailalim sa isang bata. Nagawa niyang mai-record sa kanyang camera ang daan-daang kataong hindi na nagising at pati na rin ang pag-agaw ng kung anong liwanag sa mga natitirang buhay sa Magapok. Sa dinami-dami ng kanyang teorya, mula sa pakikipagsabwatan ng mga minero sa bandido, ng rebelde sa sundalo, ng sinkhole, ng bio-chemical warfare hanggang sa alien abduction ... naging mailap ang katotohanan sa isang tulad niyang mamamahayag na tagapaghatid o tagalikha ng katotohanan--cover.
Item type Current location Call number Status Date due Barcode
Fiction Fiction College Library
Fiction Section
Fic /At15 (Browse shelf) Available D-01362

Novel.

"Mula tabloid hanggang TV network, naibibigay ni Raymundo Mojica ang hinihingi sa kaniya ng industriya. Nagsimulang horoscope writer sa isang tabloid na may pinakamalaking sirkulasyon hanggang makilala sa paggawa ng documentary. Bumalik siya sa kapistahan ng Brgy. Magapok, dahil na rin sa kahilingan ng namatay niyang ina, upang ilagay ang picture frame sa altar at isaboy ang kaunting abo sa kapatagang napalapit sa puso nito. Pagdating ni Mong (kanyang palayaw) sa probinsya ng Sta. Barbara na nakakasakop sa Brgy. Magapok, tutumbukin ito ng super typhoon. Nakipag-unahan si Mong sa bagyo para makarating agad nang ligtas sa Magapok. Napuno ng kababalaghanat karahasan ang isa sanang simpleng kasiyahan ng tatlong araw na pista ng patron na si Sta. Barbara de Bendita. Isa-isang nawala ang mga alagang hayop at tao. Nasaksihan niya kung paanong kinain ng lupa ang isang buong baka. Nakipaghilahan siya kasama ng mga taga-Magapok laban sa isang kamay na humihila-pailalim sa isang bata. Nagawa niyang mai-record sa kanyang camera ang daan-daang kataong hindi na nagising at pati na rin ang pag-agaw ng kung anong liwanag sa mga natitirang buhay sa Magapok. Sa dinami-dami ng kanyang teorya, mula sa pakikipagsabwatan ng mga minero sa bandido, ng rebelde sa sundalo, ng sinkhole, ng bio-chemical warfare hanggang sa alien abduction ... naging mailap ang katotohanan sa isang tulad niyang mamamahayag na tagapaghatid o tagalikha ng katotohanan--cover.

In Tagalog.

"Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2013. Grand Prize, Nobela"--Cover.

There are no comments for this item.

Log in to your account to post a comment.